CAGAYAN DE ORO CITY-Kinumpirma ni Militbog Municipal Police Station Commander Pol capt Hubert Perol na may nangyaring vote buying sa Militbog Bukidnon.

Sinabi ni Capt Perol na naaktohan ng retired police na namimigay ng pera ang tumatakbong councilor ng lungsod kung kayat hinuli niya ito sa pamamagitan ng Citizens Arrest.

Ngunit pagdating sa presento nalaman ng retired police na ang kanyang hinuli ay pamangkin pala ng kayang asawa kung kayat nagkasundo silang hindi na itutuloy ang pagsasampa ng kaso.

Una nang nanawagan ang Comelec at simbahan sa publiko na huwag ipagbili ang kanilang boto at piliin ang mga tamang kandidato.