CAGAYAN DE ORO CITY – Arestado ng pulisya ang Australian national kasama ang Filipino counterpart nito matapos nasangkot ng mga babaeng menor de edad para sa online sex at drug using sa inuupahang bahay sa Block 16, Lot 18,Camella Cerritos,Barangay Canitoan,Cagayan de Oro City.

Kinilala ang mga suspek na sina Matthew Aaron Clement,42 anyos,Australian national at Julius Mandawe,29 anyos,Filipino citizen na residente sa lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Police Regional Office 10 spokesperson Lt Col Mardi Hortillosa na ang naaresto nang pinag-isang operasyon ng Anti-Cybercrime Unit 10,Regional Special Operation Unit 10 at Police Station 7 ng Cagayan de Oro City Police Office nang makakuha ng sapat na impormasyon ang confidential agent patungkol sa kalaswaan na ginawa ng mga suspek sa mga biktima.

Inihayag ni Hortillosa na narekober sa rented house ng banyagang suspek ang maraming sex toys,tambak na celphones at ilang sachets ng illegal drugs na suspected shabu.

Dagdag ng opisyal na nailigtas naman ang dalawang babaeng menor de edad na ginamit ng mga suspek para sa kanilang online sexual activities at shabu using upang kikita ng pera mula sa viewers abroad.

Si Police Regional Office 10 spokesperson Lt Col Mardi Hortillosa

Kakaharapin ng mga suspek ang paglabag ng special law na nagbigay proteksyon sa karapatan ng kabataan,anti-human trafficking law at paglabag ng Republic Act 9165.