Photo from PRO-10 (Talakag Police Station)

CAGAYAN DE ORO CITY – Kinasuhan ng pulisya ng double murder ang barangay kapitan kasama ang sekretarya,trusurera at utility driver nito sa piskalya sa Bukidnon.

Ito ay matapos lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na umano’y mayroong partisipasyon si Dominirog Barangay Kapitan Judith Ocum sa nangyaring pagbaril-patay kina Kagawad Mauricio Guinto at Lorenzo Pedyaan sa bisinidad ng kanilang barangay session hall sa Talakag,Bukidnon noong umaga ng Enero 20,2020.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni Talakag Police Station commander Capt Dominador Orate Jr na batay sa hawak nila na circumstantial evidence na mayroon umano partisipasyon si Ocum kung bakit binaril ng dalawang armadong mga lalaki ang mga biktima.

Inihayag ni Orate na bago pa umano nangyari ang kremin ay nakita ng mga testigo ang barangay kapitan na kausap ang mga salarin.

Dagdag ng opisyal na dati na umanong binantaan ni Ocum si Guinto na papatayin kahit nasa harap pa ng kanilang barangay assembly kaya ito isinali sa kaso.

Si Talakag Police Station commander Capt Dominado Orate Jr

Kabilang rin sa kinasuhan ang mag-asawang barangay treasurer na si Angelie Bercede at barangay driver Jonas Bercede,barangay Rogeline Camasere at maging ang mga triggermen na si Montano Samron at alyas Teng.

Si Dominorog Brgy Kap Judith Ocum

Una rito,iginiit ni Ocum na wala itong kinalaman sa kremin at itinuro ang grupo ng mga bandido na nakipag-alyansa sa rebeldeng New People’s Army na pumatay sa mga biktima dahil umano sa isyu ng land dispute.